Naaprubahan na sa Kongreso ang ₱100 milyong pondo para sa pagtatayo ng bagong ospital sa bayan ng Naic, Cavite.
Ito mismo ang inanunsyo ni Cavite 8th District Representative Aniela Tolentino sa isang Facebook Live kasama si Naic Mayor Rommel Magbitang kamakailan. Ayon sa kongresista:
“Na-approve na ang budget ng ospital ng Naic — ₱100 million for next year; approved na sa GAB, sa General Appropriations Bill. So napondohan na ‘yan ng Congress. Official na, may pondo na ang bayan ng Naic para sa ospital.”
Sa pagkakapasa ng General Appropriations Bill, opisyal nang may nakalaang pondo ang pamahalaan para sa pagpapatayo ng Naic Hospital. Inaasahang malaking tulong ito sa mga mamamayan ng Naic at mga karatig-bayan, lalo na sa serbisyong medikal at pangkalusugan.
