Sa layuning mas mapabilis ang pagresponde sa emergencies, limang bagong ambulansya ang pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pangunguna ni City Mayor Alex โAAโ L. Advincula nitong Lunes, Hulyo 28, 2025.
Nanguna sa pagbabasbas si Rev. Fr. Manny Villas na sinaksihan naman ni City Vice Mayor Homer T. Saquilayan, mga konsehal, ni Office of the City Disaster Risk Reduction and Management Officer (OCDRRMO) Head Marisel Cayetano, at mga kawani ng OCDRRMO.
Ang pagbili ng mga karagdagang ambulansya ay bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2025.
Kayaโt lagi nating tatandaanโsa bawat sirena ng pagtugon, baon ninyo ang malasakit na handog ng ating lungsod. Maraming salamat po sa patuloy na pagkalinga sa kaligtasan ng bawat Imuseรฑo.