• Mon. Apr 13th, 2026

๐Ÿ‘,๐Ÿ“๐Ÿ’๐Ÿ“ ๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐ž ๐ง๐  ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐š๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐๐ฎ๐š๐ฒ๐š ๐Ÿ, ๐ง๐š๐ฌ๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐ฎ๐ก๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐€๐š๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐‚๐š๐ซ๐š๐ฏ๐š๐ง

Byadmin

Apr 13, 2026

Umabot sa 3,545 residente ng Lungsod ng Imus ang naserbisyuhan sa patuloy na paglapit ng mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan ng Aaksyon Caravan noong Marso 28, 2026, sa Woodsite 3 Subdivision, Brgy. Pasong Buaya 2.

Muling pinangunahan ni City Mayor Alex โ€œAAโ€ L. Advincula ang opisyal na pagpapasinaya, kasama ang mga department at unit head ng ibaโ€™t ibang tanggapan na katuwang sa naturang caravan.

Tampok sa caravan ang libreng legal na konsultasyon at notaryo mula sa Office of the City Legal Officer, libreng late birth registration mula sa Office of the City Civil Registrar, at libreng konsultasyong medikal at gamot mula sa Office of the City Health Officer at Ospital ng Imus.

Hatid naman ng tanggapan ni Cong. AJ Advincula ang libreng pustiso, konsultasyon sa mata, reading glasses, at operasyon sa katarata. Nakiisa rin ang Office of the Senior Citizens Affairs, Office of the Persons with Disability Affairs Officer, at Office of the City Social Welfare and Development Officer sa pagbibigay ng kani-kanilang serbisyo, gayundin ang Public Employment Service Office sa pagtulong sa mga Imuseรฑong makahanap ng trabaho at Office of the City Agriculturist na namahagi ng libreng binhi.

Kasabay nito, isinagawa ni Mayor AA ang kanyang Peopleโ€™s Day upang personal na kumustahin ang mga pangangailangan at hinaing ng mga residente ng Cluster 6.

Naghatid din ng libreng Electrocardiogram (ECG), X-Ray, at mga gamot ang Office of the Provincial Governor bilang suporta sa caravan.

Patuloy na mag-iikot sa ibaโ€™t ibang barangay sa Imus ang Aaksyon Caravan upang mas marami pang Imuseรฑo ang makinabang sa mga serbisyo ng pamahalaan.

#LungsodNgImus#AaksyonCaravan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed