• Wed. Jul 30th, 2025

๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—ข๐—ง ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™ ๐—š๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—จ๐—ก๐—จ๐—ก๐—š๐—”๐—ก

Byadmin

Apr 22, 2025

Kanina ay matagumpay na naisagawa ang Pilot Implementation ng Gulong ng Karunungan (GnK) sa Transville Subdivision Covered Court, Barangay San Agustin, Trece Martires City.

Ang City Government ng Trece Martires sa pangunguna ng City Council for the Protection of the Children katuwang ang Office of the City Social Welfare and Development Officer, Office of the City Youth Development Officer, Pederasyon ng Sangguniang Kabataan Trece Martires City sa pangunguna ni Hon. John Allyson Sepacio kasama ang Sangguniang Kabataan – Barangay San Agustin T.M.C at Trece Martires City College Official na binubuo nila Ms. Virginia C. Romen, Ms. Maria Alma S. Ojeda kasama ang mga student teachers at ilang miyembro ng student council ang siyang nangasiwa sa nasabing aktibidad.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong magbigay ng edukasyon sa mga batang nasa edad tatlo (3) hanggang apat (4) na taong gulang, na walang kakayahang makapag aral sa paaralan.

Muli po kami ay nagpapa-salamat sa PhilSeven Foundation at 7-Eleven Philippines sa pagbabahagi ng ganitong proyekto upang mapalapit sa mga komunidad ang kaalaman at oportunidad sa mga bata.

Edukasyon ang susi sa kinabukasan, kaya ang bawat batang Treceรฑo ay may karapatang makapag-aral at matuto.

Abangan po ninyo ang Gulong ng Karunungan bumaba sa inyong mga barangay!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *