• Thu. Dec 25th, 2025

π—£π—”π—‘π—œπ—•π—”π—šπ—’π—‘π—š π——π—”π—šπ——π—”π—š-𝗦𝗔𝗛𝗒𝗗 𝗦𝗔 π—–π—”π—Ÿπ—”π—•π—”π—₯𝗭𝗒𝗑!

Byadmin

Sep 23, 2025

Isang tagumpay para sa sektor ng paggawa ang inanunsyo ngayong araw ni Cavite 1st District Congressman Jolo Revilla: Epektibo na simula Oktubre 5, 2025 ang panibagong dagdag-sahod para sa mga minimum wage earners sa rehiyon ng CALABARZON.

Batay sa inilabas na Wage Order No. IVA-22 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB IV-A), ang mga manggagawa sa pribadong sektor ay makatatanggap ng dagdag na β‚±25 hanggang β‚±60 sa kanilang arawang sahod depende sa lokasyon at sektor.

Narito ang detalye ng bagong minimum wage:

πŸ“Œ Non-Agriculture Sector

β‚±510 – β‚±600 na daily minimum wage:

β‚±40 dagdag para sa extended metropolitan areas

β‚±60 dagdag sa component cities kabilang ang Rosario, Cavite, at mga reclassified first class municipalities

β‚±30 dagdag para sa mga 1st class municipalities

β‚±60 dagdag din para sa 2nd to 5th class municipalities

πŸ“Œ Agriculture Sector

β‚±485 – β‚±525 na daily minimum wage:

β‚±25 dagdag para sa mga nasa extended metropolitan area, component cities, at 1st class municipalities

β‚±60 dagdag para sa mga reclassified 1st class at 2nd to 5th class municipalities

πŸ“Œ Retail and Services

Dagdag na β‚±60 sa arawang sahod ng mga empleyado sa retail and service establishments na may hindi hihigit sa 10 empleyado

Pahayag ni Congressman Jolo Revilla:

“Bagamat malaking bagay ang umentong ito sa sahod para sa araw-araw na gastusin ng ating mga kababayan, batid nating malayo pa ito sa tunay na nakabubuhay na sahod na kailangan ng bawat Pilipino.”

Dagdag pa niya, patuloy ang kanilang panawagan na buwagin na ang Provincial Rate na nagreresulta sa hindi pantay-pantay na sahod sa loob ng parehong lalawigan:

“Sisikapin nating gawing magkakapareho na ang sahod sa mga bayan dito sa Cavite. Sapagkat pare-pareho lang naman ang presyo ng mga bilihin at gastusin ng bawat isa sa atin.”

Ang hakbang na ito ay inaasahang makatutulong sa pag-angat ng kabuhayan ng libu-libong manggagawa sa rehiyon, lalo na sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *