• Sat. Dec 14th, 2024

π——π—”π—šπ——π—”π—š 𝗦𝗔𝗛𝗒𝗗 π—‘π—š π— π—šπ—” π— π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 𝗦𝗔 π—–π—”π—Ÿπ—”π—•π—”π—₯𝗭𝗒𝗑, 𝗔𝗣π—₯𝗨𝗕𝗔𝗗𝗒 𝗑𝗔!

Byadmin

Sep 30, 2024

Buong galak at pagmamalaki ko pong ibinabahagi sa inyo ang magandang balita na aprubado na ang ipinaglaban at binantayan nating umento sa sahod ng mga manggagawa mula sa pribadong sektor sa buong rehiyon ng CALABARZON alinsunod sa Wage Order IVA-21 na inilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board.

Sa ilalim nito, magkakaroon ng β‚±21-β‚±75 na dagdag sa kanilang arawang sahod, na mahahati sa dalawang tranches na magkakabisa ngayong darating na Setyembre 30, 2024 habang ang susunod na tranche naman ay sa Abril 1, 2025. Dahil dito, maglalaro na mula β‚±450-β‚±560 ang minimum wage rate sa Cavite at sa buong Calabarzon para sa non-agriculture sector; β‚±425-β‚±500 naman para sa agriculture sector; at β‚±425 para sa Retail and Service (para sa mga establisyimento na mayroong hindi hihigit sa 10 trabahador).

Dahil po sa ating patuloy na pagkakaisa, nagagawa po nating posible ang mga hakbang nating ito na direktang mapakikinabangan ng ating mga kababayan. Patunay po ito ng ating malinaw na intensyon na ang hangad lamang ay maisulong ang mga karapatan ng mga manggagawang CaviteΓ±o at Pilipino para sa mas mataas na antas ng pamumuhay tungo sa isang Bagong Pilipinas.

Ang tagumpay na ito ay para po sa bawat manggagawang Pilipino! Dagdag sahod sa Calabarzon, now na!βœŠπŸΌβ€οΈπŸ’š

#Rosario#Kawit#CaviteCity#Noveleta#CaviteFirstDistrict#Cavite#JoloCares#AlagangRevilla#DagdagSahod

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *