Ngayong araw, naging karangalan po nating muli na ipahayag ang ating paninindigan sa pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa isinagawang pagdinig at konsultasyon ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) IV-A hinggil sa dagdag-sahod.
Binigyang-diin natin na bagamaโt hindi naisabatas ang legislated wage hike noong nakaraang Kongreso, hindi dito nagtatapos ang laban para sa marangal na sahod. Mula pa noong akoโy nagsilbing Bise-Gobernador ng Cavite, naniniwala po tayong ang tagumpay ng mga manggagawa ay susi sa mas matatag na ekonomiya at mas maliwanag na kinabukasan.
Atin din pong inilatag ang posibilidad na alisin na ang kasalukuyang income classification ng bawat bayan at lungsod, at magkaroon na lamang ng isang minimum wage para sa buong probinsya.
Bilang Tagapangulo ng House Committee on Labor and Employment, pangako ko po na patuloy tayong makikinig, makikipag-ugnayan, at magsusulong ng patas na mga panukalaโpara sa mga manggagawa, employers, at sa mas maunlad na ekonomiya ng ating bansa. ![]()
![]()
#CaviteFirstDistrict#Cavite#JoloCares#AlagangRevilla#20thCongress#CommitteeOnLaborAndEmployment
