Ginawaran ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ng Silver Award ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) noong Oktubre 30, 2024, Miyerkules, matapos makakuha ng 94.05% score na may katumbas na Very Satisfactory Rating sa Report Card Survey (RCS) 2.0 ng nasabing ahensya.
Nanguna rin ang Pamahalaang Lungsod mula sa walong local government units (LGUs) na nakatanggap ng Very Satisfactory Rating at sa 200 LGUs at 860 national agencies.
Sinusukat ng RCS kung epektibo at nasusunod ba ang citizenโs charter at kung napabibilis nito ang pagproseso ng mga transaksyon at serbisyo ng isang ahensya.
Bukod sa maayos na pamumuno nina City Mayor Alex โAAโ L. Advincula at City Vice Mayor Homer โSakiโ T. Saquilayan, bahagi rin ng tagumpay na ito ang City Administratorโs Office, Business Permits and Licensing Office, Office of the Building Official, City Treasurerโs Office, City Planning and Development Office, Office of the City Assessor, City Information Technology and Records Management Unit, at Imus Bureau of Fire Protection.
Patunay ito sa maayos at mahusay na pagsunod ng lokal na pamahalaan ng Imus sa Republic Act No. 11032, o โEase of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.โ