Ginawaran na ng National Privacy Commission (NPC) Certificate of Registration at Data Protection Officer (DPO)/Data Processing System (DPO) Seal of Registration ang Pamahalaang Lungsod ng Imus nitong Agosto 18, 2025.
Sa pamamagitan nito, nakasisiguro ang mga Imuseño na ang personal na datos na kanilang ibinibigay sa lokal na pamahalaan ay ligtas at protektado ng batas, alinsunod na rin sa Data Privacy Act of 2012 at ang Implementing Rules and Regulations nito.
