Ginanap ang Eskwela Kooperatiba (EK)โEngagement Forum noong Biyernes, Hulyo 11, 2025, sa Cooperative and Livelihood Training Center.
Layunin ng nasabing forum na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga paaralan, guardian cooperatives, at ng Pamahalaang Lungsod ng Imus.
Tinalakay nina City Cooperatives Development Officer Generoso Ramos Jr., Senior Cooperatives Development Specialist (CDS) Jacquilyn Lara, at CDS I Kristine Joy Nuestro ang mahahalagang usapin ukol sa:
Pagpapaigting ng EK Program
Mga mungkahing pagbabago sa EK Manual of Policies and Operating Procedures
EK Annual and Compliance Report
Pagsisimula ng EK Buzzword Contest
Pagdaraos ng Koop Quiz Bee: โAAsenso ang May Alamโ
Ang EK Engagement Forum ay patunay sa patuloy na adhikain ng Imus na itaguyod ang kaalaman at pakikilahok ng komunidad tungo sa progresibong edukasyon!