• Mon. Sep 16th, 2024

Solar PPA Partnership Ceremony ng Unilever Philippines Nutrition Plant at Green Yellow

Byadmin

Mar 17, 2024

Naging panauhing pandangal si Mayor Jon-Jon Ferrer sa Solar PPA Partnership Ceremony ng Unilever Philippines Nutrition Plant at Green Yellow, kahapon sa Gateway Business Park. Layunin ng Unilever na makamit ang zero CO2 emission at mabawasan ang fuel dependence sa kanilang mga planta bilang bahagi ng kanilang sustainable manufacturing practice.

Pinuri naman ni Mayor Jon-Jon sa kanyang mensahe ang programang ito ng Unilever na naglalayong pangalagaan ang ating kalikasan para sa mga susunod na henerasyon. Kasama niyang dumalo sa okasyong ito sina Cong. Ony Ferrer, Vice-Mayor Jonas Labuguen, at BPLO Head Romel Olimpo.

Ang Unilever Philippines ay isa sa mga top corporate taxpayers ng lungsod. Let’s Join Forces for a Cleaner and Greener City of General Trias!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *