Nakatakda nang simulan ng Bacoor City Jail Male Dormitory ang kanilang mental health program para sa mga Person Deprived of Liberty (PDL) na nasa kanilang pangangalaga.
Sa pamumuno ni JSupt. Christopher Penilla, layon ng programang Katatagan Plus na magsilbing early intervention mechanism para sa mga PDL upang masiguro ang kalagayan ng kanilang mental health. Magbibigay rin to ng sertipikasyon na makakatulong sa kanilang pagbabalik sa lipunan.
Ayon kay Penilla, nagsanay sa Ateneo de Manila University sina JO1 Yvette Melgar at JO1 Michelle Laresma na magsisilbing mga facilitator ng programa. | via Bjmp Bacoor MaleDorm