Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw ang paglulunsad ng Pension Reform Program (PRP) sa ilalim ng Philippine Social Security System – SSS.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng SSS na sabay-sabay na tinaasan ang pensiyon para sa lahat ng pensioners, kabilang na ang 10% na pagtaas para sa mga retirement at disability pensioners at 5% para sa mga survivor pensioners.
Sa loob ng tatlong taon, aabot sa halos P93 bilyon ang ilalaan ng pamahalaan para sa mga pensioners upang matulungan silang matugunan ang gastusin sa gamot, pagkain, at iba pang pangunahing pangangailangan.
#SSS#pension#SocialSecurity#Socialsecuritybenefits#BagongPilipinas
