Magsasagawa ang Department of the Interior and Local Government Calabarzon (DILG 4-A) ng isang coastal cleanup operation sa Cavite kasama ang pamahalaang lokal ng Noveleta upang ipagbunyi ang International Coastal Cleanup (ICC) Day na gaganapin sa darating na September 16, 2023.
Mangyayari ang paglilinis ng baybayin kasabay ng mga iba pang pamahalaang lokal sa iibang bayan ng Cavite province
Iilan sa mga stakeholders ng cleanup ay kinabibilangan nina Mayor Dino Chua ng Noveleta, Philippine National Police Cavite Maritime Police Station, Coast Guard Station, Bureau of Fire Protection-Noveleta, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Provincial Fisheries Office.
Makikisama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa taunang event na ito na gaganapin sa Sitio Long Beach, Barangay San Rafael 4, bandang 6:00 AM.
Isang catch basin ang bayan ng Noveleta para sa mga tubig-ulan na nanggagaling sa upland area kung kaya’t madalas sa lugar ang pagbaha kapag may bagyo.
DILG Magsasagawa ng Coastal Clean-up sa Cavite
