Pormal na pong binuksan ngayong araw ang mas pinalaki at mas pinalakas na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Lalawigan ng Cavite na gaganapin mula Setyembre 27 hanggang 28, bilang ikadalawampuβt apat na edisyon ng nasabing programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa pangunguna ni House Speaker at Leyte 1st District Representative Martin G. Romualdez.
Nakasama po natin sa opening ceremony kanina na ginanap sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite sina Speaker Romualdez; Senator Ramon Bong Revilla Jr.; Cavite Governor Jonvic Remulla; 2nd District Rep. Lani Mercado-Revilla; Agimat Partylist Rep. Bryan Revilla; iba pang mga kongresista ng mga distrito sa Cavite; mahigit 200 mga mambabatas mula sa ibaβt ibang distrito at party-list sa bansa; at mga opisyal ng ating lokal na pamahalaan.
Sa pagbubukas po ng BPSF Cavite, 10,500 na mga CaviteΓ±o ang natulungan ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP; 10,000 sa ilalim ng Start-up, Investments, Business Opportunity and Livelihood Program o SIBOL; 10,000 din para sa Cash Assistance and Rice Distribution Program o CARD; at 5,000 mga kabataan naman sa ilalim ng Integrated Scholarship and Incentives Program o ISIP.
Nagpapasalamat po tayo kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. at kay House Speaker Martin Romualdez para sa pagkakataon na makarating ang BPSF sa Cavite isang taon matapos itong ilunsad upang mapakinabangan ng ating mga kababayan at bumuo ng kultura ng mabilis, maayos, maginhawa, at masayang serbisyong publiko tungo sa Bagong Pilipinas.
Mabuhay po ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair! Mabuhay ang mga CaviteΓ±o! Mabuhay ang Nagkakaisang Cavite para sa Bagong Pilipinas!
#Rosario#Kawit#Noveleta#CaviteCity#CaviteFirstDistrict#Cavite#JoloCares#AlagangRevilla#BPSFCavite#BagongPilipinas