CAMANAVA—Pinagtibay ng Bureau of Fire Protection National Capital Region Fire District II ang Ugnayan sa mga Fire Volunteer and Brigade sa kanilang nasasakupan na matagumpay na idinaos kamakailan ang kaganapang naglalayong mapasidhi ang malapit at kapaki-pakinabang na ugnayan sa CAMANAVA. Ginanap ito sa Center for Performing Arts Auditorium,Lungsod ng Valenzuela.
Nagsilbing punong-abala ang CAMANAVA sa pamumuno ng Pandistritong Tagapamahala, FSSUPT DOUGLAS M GUIYAB, DSC, kasama ang mga Panlungod na Tagapamahala ng ikalawang distrito na sina, FSUPT EUGENE MIRANDA BRIONES, City Fire Marshal ng Caloocan, FSUPT JOSEPHUS FRANCO ALBURO, City Fire Marshal ng Malabon
FSUPT JUDE GUANZON DELOS REYES, City Fire Marshal Navotas at FSUPT MENANDRO B BASTIAN, City Fire Marshal Valenzuela. Ang nasabing kaganapan ay alinsunod sa nais ng Panrehiyong Direktor na si FCSUPT NAHUM B TARROZA, DSC. Sa kanyang pagdalo bilang Panauhing Pandangal at Tagapagsalita, binigyang-diin niya ang pagpapalawig pa sa pundasyon ng ugnayan ng kawanihan at ng mga volunteer at brigade na binubuo ng anim na pu’t siyam. Pasisidhiin pa ang mas maayos na kumunikasyon. Dagdag pa ng Heneral, na “hindi kakayanin ng BFP narespondehan ang lahat ng sunog sa Kamaynilaan,, malaking tulong ang presensya ng mga volunteer at brigade upang lubos na makamit ang mithiing ligtas na pamayanan tungo sa pagiging matatag.
Kasama sa kaganapan sina FSSUPT RONEL M MALTEZO, Kahaliling Panrehiyong Direktor sa Asministrasyon, FSSUPT RODRIGO N REYES, Kahaliling Panrehiyong Direktor sa Operasyon,F SSUPT ANTONIO N RAZAL JR, RCS, at si FSUPT GERARD A VENEZUELA.
Umabot sa isang daan at dalawampu’t walo ang kabuuang bilang ng mga panauhing dumalo at nakadama ng katagumpayan ng pagdiriwang. (Photobfp/Renante Arjay Jarobel/Marjorie Mahusay)