• Thu. Dec 25th, 2025

MOA signing at launching ng “Umagang Pagbasa Para sa Tibay ng Dibdib”

Byadmin

Mar 13, 2023

Ang inyo pong lingkod kaisa sina Cong. Ony, Vice-Mayor Jonas at buong Team GenTri ay patuloy na sumusuporta sa mga programang pangkalusugan upang labanan ang Tuberculosis (TB). Bahagi po nito ang pagpapaigting ng ating information campaign.

Kung kaya sa tulong ng Department of Health, USAID, University Research Company, DepEd Division of General Trias at City Health Office, isinagawa po natin ang MOA signing at launching ng “Umagang Pagbasa Para sa Tibay ng Dibdib” story telling activity na dinaluhan ng mga guro at mag-aaral ng Juliano C. Brosas Elementary School. Layunin po nating mabigyan ng tamang kaalaman ang publiko tungkol sa nasabing karamdaman.  Let’s Join Forces for a Healthier City of General Trias!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *