Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Mayor Voltaire Ricafrente ay ang pagpapasinaya ng bagong gusali ng munisipyo ng Bayan ng Rosario. Dinaluhan din ito ni Congressman Jolo Revilla at ng ibat-ibang samahan mula sa ating bayan. Sa kanyang mensahe nagpasalamat si Mayor Voltaire sa lahat ng nakipagdiwang sa kanyang espesyal na araw gayundin sa mga nakiisa sa pagpapasinaya ng bagong gusali ng munisipyo. Pangako nya ang patuloy napag-unlad ng ating bayan at ang tuloy tuloy na serbisyo publiko na iniwan sa atin ni Mayor Nonong.(Municipalityof Rosario)
