Nasa mahigit 100 Naicqueños muli ang mabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng hanapbuhay sa ilalim ng programang TUPAD ng Department of Labor and Employment para sa Bayan ng Naic.
Ngayong araw, Isinagawa ang Orientation para sa mga bagong benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) para sa taong 2023 na naglalayong mabigyan ng emergency employment ang mga taong nawalan ng kabuhayan dulot ng nagdaang pandemya at kalamidad.
Ang TUPAD ay isang programa sa ilalim ng Department of Labor and Employment sa Pangunguna ni Congresswoman Aniela Tolentino at sa pakikipagugnayan nina Mayor Raffy Dualan at Vuce Mayor Jun Dualan at ng Pamahalaang Bayan ng Naic. Tuloy-tuloy ang paghahatid ng Programa, Aksyong may Puso para sa bawat isa! Unlad Naic!
