• Thu. Dec 25th, 2025

Super Health Center sa Legian II-C, Barangay Carsadang Bago I

Byadmin

Mar 10, 2023

Binisita kamakailan ni Imus City Mayor Alex Advincula ang ipinapatayong Super Health Center sa Legian II-C, Barangay Carsadang Bago I kung saan kasama niya sa pag-inspeksyon si Senator Bong Go na Committee Chairman ng Health sa Senado. Bukod kay Go, dumalo rin sina Cong. AJ Advincula, at Vice Mayor Homer Saquilayan. Ayon sa alkalde, “Ito po ang bunga kapag iisa ang layunin ng inyong mga pinuno. Hindi na po mahihirapan at lalayo ang ating mga kababayan dahil mas malapit na sa kanila ang ospital na sasagot sa kanilang pangangailangang pangkalusugan.” Dagdag pa niya, “Asahan po ninyong madadagdagan pa ang mga ganitong klaseng programa para matutukan natin ang kalusugan ng bawat isang Imuseño!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *