Nagkaroon ng produktibong talakayan noong ika-23 ng Enero 2026, sina PhilHealth President and CEO Dr. Edwin M. Mercado at OWWA Administrator Atty. Patricia Yvonne โPYโ Caunan, kasama ang kani-kanilang mga opisyal, sa PhilHealth Head Office sa Pasig City.
Tinalakay sa pagpupulong ang mas pinahusay na kolaborasyon upang masiguro ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga Bagong Bayani. Kabilang sa mga pangunahing agenda ang pagsasaayos at pagpapalakas ng MedPlus Program, gayundin ang pagpapalawak at pagpapahusay ng PhilHealth YAKAP Program para sa OFWs.
Patuloy ang sama-samang hakbang ng PhilHealth at OWWA upang mas maging abot-kamay, mas episyente, at mas ramdam ang mga programang nakalaan para sa ating mga OFW at kanilang pamilyaโdito man sa bansa o saan mang panig ng mundo.
Kapag magkatuwang sa iisang layunin, mas napagtitibay ang proteksiyon at serbisyong nararapat para sa bawat pamilyang Pilipino.
