Sa ating patuloy na pag suporta sa kalusugan ng mga Naicqueño, ginanap ang paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagtatayo ng Korea–Naic Friendship Infirmary, kasama natin sina Municipal Health Officer Dr. Ma. Carolina P. Matel, konsehal Rodrigo “Rod” Castillo at konsehal Ryan “Wakay” Flores, pati ang mga kinatawan mula sa Open World at Rose Club International, ngayong Huwebes, January 8, 2026, sa Naic Municipal Hall.
Layunin natin na makapagbigay sa bawat Naicqueño ng mas maayos at abot-kayang serbisyong medikal. Ang proyekto ay simbolo ng ating sama-samang pagtutulungan para sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa bayan.
