• Sun. Feb 1st, 2026

PAG-SULONG SA NATIONAL MINIMUM WAGE AT PAG BUWAG SA PROVINCIAL RATE, UMUUSAD NA

Byadmin

Dec 7, 2025

Nanawagan si Labor Committee Chair Ramon Jolo Revilla III na abolish ang provincial minimum wage at magpatupad ng iisang National Minimum Wage para maiwasan ang hindi pantay na sahod sa mga rehiyon. Sa pagdinig noong Nobyembre 26, 2025, iginiit niyang dapat ang NWPC na ang magtakda ng sahod at magkaroon ng 3-year transition para sa pag-angat ng sahod sa buong bansa.

Sinimulan din ng komite ang pagbuo ng Substitute Bill para sa wage reform at proteksyon sa freelancers at online workers, kasama ang panawagang kilalanin sila ng PSA bilang hiwalay na labor group. Tinalakay rin ang suporta para sa ILO Convention 188 para sa kapakanan ng mangingisda.

Giit ni Revilla: panahon na para sa pantay at makatarungang sahod para sa lahat ng manggagawang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *