Sa patuloy na paggabay ni Mayor Rommel Magbitang bilang Chairperson ng Community Based Mental Health Council, maayos na nailunsad ang Naic Community Based Mental Health nitong Biyernes, November 14, 2025, sa Rural Health Unit Annex, Barangay Halang, Naic, Cavite.
Layunin ng programa na higit pang mapalawak ang kamalayan tungkol sa mental health, magbigay ng agarang suporta at serbisyong pangkalusugang pangkaisipan sa mga Naicqueรฑo, at palakasin ang pagtutulungan ng komunidad upang masiguro ang mas malusog at mas maayos na pamumuhay para sa lahat ng residente ng Bayan ng Naic.
