• Fri. Dec 26th, 2025

๐Ÿ‘๐ซ๐ ๐ˆ๐ฆ๐ฎ๐ฌ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐…๐ซ๐š๐ง๐œ๐ก๐ข๐ฌ๐ž ๐„๐ฑ๐ฉ๐จ, ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐ˆ๐ฆ๐ฎ๐ฌ ๐‹๐†๐”

Byadmin

Nov 23, 2025

Umabot sa 538 katanungan ang natanggap ng 24 na franchisors sa 3rd Imus City Franchise Expo ng Office of the Local Economic Development and Investment Promotions Officer (OLEDIPO) noong Biyernes, Nobyembre 14, 2025, sa Activity Center ng Ayala Malls Vermosa.

Nagbigay pagkakataon ito sa mga bago at matagal nang negosyante na tuklasin ang ibaโ€™t ibang oportunidad sa franchising.

Kasabay ng expo, isinagawa ang โ€œLearning Sessions: Franchise 101โ€ at โ€œFinding the Right Franchiseโ€ na nagbigay-kaalaman sa mga kalahok tungkol sa tamang pagpili ng negosyong akma sa kanilang layunin, kakayahan, at merkado.

Dagdag inspirasyon naman ang hatid ng โ€œSumakses sa Franchise Forum,โ€ kung saan ibinahagi ng franchisers ang kanilang mga kuwentong tagumpay, mga estratehiyang ginamit, at mga hamong nalampasan upang maging gabay sa iba pang nais pumasok sa franchising.

Pinangunahan ang nasabing expo ng mga kinatawan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, kabilang sina Konsehal Mark Villanueva, Acting City Administrator Lauro Monzon, at OLEDIPO Head Jhett Vilbar-Lungcay.

Dumalo rin sina Officer-in-Charge Provincial Director Lilibeth Chavez ng Department of Trade and Industry (DTI) Cavite, Operations Manager Michael Balane ng Ayala Malls Vermosa, at si Association of Filipino Franchisers Inc. Officer Irene Oloris.

Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pagsuporta sa mga lokal na negosyo, pagbibigay-lakas sa mga negosyante, at pagpapatatag sa lumalawak na entrepreneurial industry ng lungsod.

#AngatAngImus

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *