Naghahanda ang Provincial PESO ng Cavite para sa isang Special Recruitment Activity katuwang ang InfoTECH Professional Services Inc. na gaganapin sa Nobyembre 27, 2025, alas-9:00 ng umaga sa Function Hall, ikalawang palapag ng New Cavite Government Center sa Trece Martires City.
Iniaalok sa mga aplikante ang programang walang placement fee at walang karagdagang bayarin, kasama ang scholarship para sa Japanese language training. Bukas ang aplikasyon kahit walang karanasan at tumatanggap din ng mga bagong graduate.
Ayon sa Provincial PESO, sapat na ang kahandaang sumailalim sa pagsasanay upang maging kwalipikado sa pagproseso para sa trabaho sa Japan.
