Ginawaran ng Special Citation Award ang Office of the City Agriculturist ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) noong Oktubre 8, 2025, bilang pagkilala sa epektibo at masigasig nitong pagpapatupad ng Rice Competitiveness Fund – Seed and Extension Programme para sa 2024 Wet Season at 2025 Dry Season.
Ang nasabing parangal ay iginawad bilang pagkilala sa pagsusumikap ng tanggapan na suportahan ang pagtatanim ng palay ng mga magsasaka sa lungsod.
Patunay ito sa patuloy na dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pagsuporta sa sektor ng agrikultura.
