Inaasahang magiging mas mabilis na ang paghahatid ng mga serbisyo ng pamahalaang lungsod ng Bacoor sa pamamagitan ng kanilang digitalization initiative.
Noong Oktubre 3, pormal nang nilagdaan ni City Administration Officer, Atty. Aimee Neri at Aristoteles Elvi ng Neo-Connect ICT Solutions Inc. ang (MOA) para sa digitalization program ng lungsod.
Layon nitong magpatupad ng contactless system para sa mas mabilis at episyenteng paghahatid ng mga programa at serbisyo ng pamahalaan, gayundin ang pamamahagi ng mga benepisyo ng bawat Bacooreรฑo. Sa pamamagitan nito, magiging digital at transparent na ang proses ng pamahalaan.
Ayon kay Mayor Strike Revilla, isa ito sa kanilang mga hakbang tungo sa layunin upang maging smart and future-ready city at mapalakas ang serbisyo pampubliko.
