Bacoor City Hall Lobby, Setyembre 19, 2025 – Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa 317 Bacooreño na nangangailangan ng tulong medikal at pinansyal. Ang programang ito ay isinagawa ng City Government of Bacoor sa pamamagitan ng CSWD na pinamumunuan ni Mrs. Emiliana Ugalde.
Kabilang sa mga dumalo sina Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Coun. Kuya Noly Galvez, Coun. Udoy Brillantes, at Kapitan Roehl Mañago III ng Barangay Mabolo.
Ang AICS ay isang regular na programa ng City Government of Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, katuwang ang Sangguniang Panglungsod. Bukod sa tulong pinansyal, nagbibigay din ang ang City Government of Bacoor ng Guarantee Letter para sa mga hospital bill at burial assistance kada linggo. Naglalayon itong magbigay ng tulong pinansyal sa mga indibidwal at pamilyang nangangailangan, lalo na sa mga mayroong maintenance na gamot, at nagpapakita ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga residente nito.
