Kaninang umaga, ay pinangunahan natin ang blessing at ribbon-cutting ceremony ng bagong tayong Bitangan-Agtas Bridge sa Barangay Aguado kasama ang buong miyembro ng 12th Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Bobby Montehermoso.
Lubos ang aking pasasalamat kay Congressman Ping Remulla at kay Governor Abeng Remulla na buong pusong sumuporta upang matapos ang tulay na ito sa loob lamang ng 21 araw mula nang masira ito noong July 25, 2025.
Malaking pasasalamat din sa mga opisyales ng Barangay Aguado sa pamumuno ng kanilang Kapitan Jaimer Sierra, sa Provincial Engineering Office, at sa City Engineering Office na nagtulong-tulong, naglaan ng kanilang oras, sipag, at sakripisyo upang maisakatuparan ang proyektong ito.
Ang tulay na ito ay patunay na kapag may pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan, nagiging posible ang mga bagay na sa simula’y tila imposible.
Maraming salamat din po kay Rev. Fr. Isagani Aviniante na nanguna sa isinagawang blessing kanina. Pasasalamat din sa ating mga HOA, CPAG, at sa lahat ng dumalo upang masaksihan ang muling pagbubukas ng bagong gawang tulay sa Barangay Aguado. ![]()
![]()
Paalala, 5 tons lang po ang capacity ng ating tulay. Babantayan ng mga tao at ng ating Barangay kung sinuman ang lalabag dito.
For sure may mag comment na naman po bakit ganyan pa din ang sukat ng tulay at bakit andyan pa din ang nahulog na truck, please review my previous post. ![]()
Maraming salamat po Lord![]()
Maraming salamat tax payers.
Be blessed,
Be a blessing!
Bagong Trece,
Puso ng Cavite,
Lungsod ng Pag Asa!
