• Mon. Jun 9th, 2025

3-4 PANG SUBWAY SA MAYNILA HANGGANG CAVITE ,PINAG-UUSAPAN NG PINAS AT JAPAN-DOTR

Byadmin

Feb 23, 2023

Ibinahagi ni Transportation Secretary Jaime Bautista nitong Biyernesna pinaplano ng Departmentof Transportation (DOTr) at Japan International Cooperation Agency (JICA) na maglagay ng mas maraming underground railway system sa Metro Manila na aabot hanggang lalawigan ng Cavite.

“As early as now, we are already planning for more subways in Metro Manila because this will ease the traffic,” saad ni Bautista sa naganap na Philippine Business Opportunities Forum.

Sa isang panayam, sinabi ng pinuno ng ahensya na nagkakaroon na ng mga talakayan para sa mas marami pang mga subway sa bansa.

“Nasa planning stage… mga tatlo o apat na ‘’yun. Metro Manila lahat hanggang Cavite,” aniya.

Sinabi ni Bautista na ang mga nakaplanong subway ay maaaring konektado sa Metro Manila Subway Project, na kasalukuyang ginagawa.

Nang tinanong kung kailan gagawin ang mga subway, sinabi ni Bautista na, “Matagal pa ‘yun…”

“We will have to prepare feasiblity studies.”

Samantala, sinabi ni Bautista sa forum na dinaluhan ng Japanese business community na ang operasyon ng tunnel boring machines para sa Metro Manila Subway ay nagpapatuloy sa ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *