• Mon. Dec 23rd, 2024

π—‘π—”π—œπ—– π—¦π—¨π—£π—˜π—₯π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—–π—˜π—‘π—§π—˜π—₯ π—šπ—₯𝗒𝗨𝗑𝗗𝗕π—₯π—˜π—”π—žπ—œπ—‘π—š π—–π—˜π—₯π—˜π— π—’π—‘π—¬

Byadmin

Dec 17, 2024

𝙂𝙀𝙀𝙙 π™‰π™šπ™¬π™¨, π™‰π™–π™žπ™˜π™¦π™ͺπ™šΓ±π™€π™¨! Maisasakatuparan na po ang ating pinapangarap na SUPERHEALTH CENTER para sa ating mga minamahal na kababayang NaicqueΓ±os!

Isinagawa po ngayong araw, Huwebes, Disyembre 5, 2024 ang groundbreaking ceremony para sa ating pinapangarap na Naic Super Health Center sa Timalan-Balsahan, Naic Cavite. Pinangunahan po ang pagpapasinaya ng aktibidad na ito ng ating butihing Hon. Mayor Ruperto β€˜Raffy’ Dualan, kasama ang inyong lingkod Vice Mayor Jun Dualan, Ms. Jacinta Remulla, at present din po ang ating Special Guest Dr. Ariel I. Valencia, Assistant Secretary of Health (DOH), at Ms. Liza L. Madlangbayan, DOH Representative (Development Management Office IV).

Naroon din po ang presensya ng ating Municipal Health Officer Dr. Ma. Carolina P. Matel; Ms. Rhodalyn C. Gatdula; Mr. Raymond P. Senia; Hon. Bonifacio M. Atienza Jr., SB Member – Health Committee; Dr. Eunika Aeden B. Pughay, Dr. Mark Palad, Physician RHU; at Dr. Bryan Repil, Physician RHU Naic.

Hindi naging madali po ang paglalatag ng ating proyekto dahil sa marami tayong dapat ikonsidera mula sa pagpaplano hanggang sa konstruksyon nito. Gayun pa man, sa pagbuo ng proyektong ito, makikinabang po ang lahat ng ating mga minamahal na kababayang Naicquenos sa iba’t ibang barangay na sakop ng ating mahal na bayan ng Naic sa itatayo na gusaling ito para sa kalusugan ng ating mga Kababayang Naicquenos.

Puspusan po ang ating preparasyon para sa pagbubukas ng ating pinakahihintay na proyektong ito sa darating na taong 2025. Isa lang ito sa pinaka magandang regalo na handog ng Lokal ng Pamahalaan ng bayan ng Naic para sa lahat ng ating mga Kababayang Naicquenos sa mas malusog at maunlaD na bayan ng Naic.

Maligayang Pasko po at maUnlaD na bagong taon!

#unlaDnaic#AksyonatDiskarte

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *