• Wed. Feb 5th, 2025

BAGONG PNP VEHICLES, INAASAHANG MAKAKATULONG SA PAGPAPANATILI NG PEACE AND ORDER SA CALABARZON

Byadmin

Oct 23, 2023

Asahan na ang mas mabilis na pag-responde at pagbibigay-serbisyo ng mga kapulisan sa rehiyon ng Calabarzon sa tulong ng mga bagong sasakyan ng Police Regional Office 4A.

Ayon kay PRO IV-A Regional Director PBGEN Paul Kenneth T. Lucas, mahalaga ang mga bagong sasakyan para sa kanila dahil ito ay magbibigay ng karagdagang tulong upang makapagserbisyo at maprotektahan ang komunidad sa Calabarzon.

Kabilang sa mga tumanggap ng bagong sasakyan ay ang Regional Mobile Force Battalion IV-A at 2nd Provincial Mobile Force Company ng Laguna Police Provincial Office na nakatanggap ng bagong Mitsubishi Estrada patrol cars.

30 units naman ng Toyota Hilux patrol jeeps ang nai-turn over sa mga police stations ng Cabuyao, San Pablo, Calamba City, at Lumban Municipal Police Station mula Laguna Police Provincial Office; Atimonan, Guinayangan, Quezon Municipal Stations at Tayabas City Police Station sa Quezon Police Provincial Office at Antipolo City Police Station sa Rizal.

Sinaksihan ni Commission on Elections (COMELEC) Region IV-A Regional Election Officer Atty.  Monalisa C. Mamukid, mga panauhin mula sa Nationwide Multi-Sectoral Peace Assembly para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), at mga kapulisan ng PRO4A ang isinagawang turnover ceremony. | via Police Regional Office 4A,pia cavite)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *