Balak nang buksan ang limang estasyon ng LRT-1 sa Cavite extension sa darating na fourth quarter ng 2024, ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC).
Ayon kay Juan Alfonso, president at CEO ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), tinatayang nasa 82.7% na ang usad ng konstruksyon ng Cavite extension lines nitong March 2023 para sa parehas na civil at rail system works.
Inaasahan ng grupo na makakatulong ang extension lines sa pagbawas ng trapiko sa Metro Manila.
Alalahanin lang nina Alfonso ang right-of-way issue na dinadaan pa sa gobyerno sa tulong ng pribadong sektor.
Tinatayang higit sa P30-billion ang total na investment na nilaan para sa pagtayo ng Cavite extension lines at ang tuluyang pag-upgrade sa linya ng LRT-1.
Source: Manila Bulletin / ABS-CBN News