• Mon. Jun 9th, 2025

Brigada Eskwela 2023 Kick Off

Byadmin

Aug 20, 2023

Nakiisa si Congressman Adrian Jay C. Advincula sa Brigada Eskwela 2023 Kick Off na ginanap sa Alapan 1 Elementary School. Ito po ay ating isinasagawa bilang paghahanda sa paparating na pagbubukas ng klase sa darating na August 29.

Nagpapasalamat po ako sa Imus City Schools Division Office sa pangunguna ni SDS Dr. Homer N. Mendoza, mga kapwa ko lingkod bayan at sa lahat ng mga education stakeholders na nakiisa sa nasabing programa.

Nangangako po akong tutugon at magbibigay ng agarang solusyon sa mga hinaing pagdating sa sektor ng edukasyon. Sa sama-sama nating pagtutulungan, matitiyak po natin ang isang paaralang matatag para sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral.(Aj Advincula fb page)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *