• Sun. Aug 10th, 2025

QCFD, IDINAOS ANG VOLUNTEERS AND BRIGADE SUMMIT 2023

ByKarl Admin

Aug 20, 2023

Matagumpay na idinaos kamaqkailan ang Quezon City Volunteers and Brigade Summit para sa taong ito. Ang Kawanihan ng Pagtatanggol sa Sunog sa ika-limang Distrito Sa pangunguna ni FSSUPT ARISTOTLE B BAÑAGA, District Fire Marshal na nagsilbing punong-abala na isinagawa ang kaganapan sa Aberdeen Court, Great Eastern Hotel, Lungsod ng Quezon.

Dumalo sa pagdiriwang ang Panrehiyong Direktor na si FCSUPT NAHUM B TARROZA,DSC  bilang Panauhing Pandangal at Tagapagsalita sa ginanap na summit.

Sa talumpati ng Heneral ikinagalak ng mga Volunteer at Brigades ang mensahe nito na nakatuon sa paghahayag ng pagpapahalaga sa tungkuling ginagampanan ng Fire Volunteers.

Binigyang diin din nito,  “Kayo, Fire Volunteers at Brigades ang nagpupuno sa kakulangan ng bilang ng mga bumbero. Maraming Salamat po”.

Nagkatipon ang pitumpung Fire Volunteers at Brigades sa isinagawang okasyon na ang.layunin ng kaganapan na pagyamanin pa ang ugnayan ng Kawanihan ng Pagtatanggol sa Sunog at Fire Volunteers at Brigades upang higit pang mapagsilbihan ang mamamayang Pilipino. (Bfpphoto/Renante Arjay Jarobel/Marjorie Mahusay)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *