• Fri. Dec 26th, 2025

City College of Imus, nagsagawa ng malawakang Community Outreach program

Byadmin

Aug 14, 2023

Sa pangunguna ng City College of Imus – Tech-Voc, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang malawakang Community Outreach program sa iba’t ibang barangay sa Imus mula noong Miyerkoles, Hulyo 19, hanggang nitong Biyernes, Hulyo 28, 2023.

Tinatayang humigit-kumulang 350 residente at inmates ang naabot ng nasabing programa.

Naibahagi sa kanila ang iba’t ibang kaalaman at serbisyo sa tulong na rin ng mga mag-aaral ng CCI.

Una nang inihatid ng CCI ang libreng gupit at itinuro ang pagluluto ng iba’t ibang putahe sa mga inmate ng Imus City Jail.

Ibinahagi rin nito ang kaalaman sa paggawa ng masarap na kape sa out-of-school youth sa Youth Center Building.

Binisita rin nito ang mga barangay ng Anabu 2-F, Buhay na Tubig, Alapan 1-B, Medicion 2-D, Carsadang Bago 1, at Poblacion 1-A.

Sa pamamagitan nito, naituro ang fabrication of garbage cage, smocking embroidery technique, massage therapy, manicure, cookie making, welding, at perfume making. Ang CCI ay ang kauna-unahang paaralang pangkolehiyo ng Pamahalaang Lungsod ng Imus. Hatid nito ang mga libreng kurso at training para sa kasanayan ng mga Imuseño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *