• Mon. Jun 9th, 2025

Assistance to Individual in Crisis Situations (AICS) ng DSWD

Byadmin

Jul 2, 2023

Dumalaw sa ating bayan si Senator Imee R. Marcos upang mamahagi ng tulong pinansyal para sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng Assistance to Individual in Crisis Situations (AICS) ng DSWD. Personal syang sinalubong ng ating Vice Mayor Bamm Gonzales, mga konsehales at mga Punong Barangay.ย  Sa kanyang mensahe, ipinahayagย  ni Senadora Imee ang kanyang mga plano sa pagpapaunlad at pagsusulong ng pangingisda at nutrisyon dito sa ating bayan. Namahagi din siya ng mga Nutribuns at laruan sa mga bata. Nagpasalamat naman si Vice Mayor Bamm Gonzales sa tulong pinansyal na ipinagkaloob sa ating mga kababayan. Pangako naman ni Vice Bamm ang patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Bayan ng Rosario sa mga adhikain at plano ng Pamahalaang Nasyonal para sa ikauunlad ng ating bayan.(jerry guina)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed