Nakatanggap ang halos Tatlong-Daang miyembro ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng pinansyal na tulong mula kay Senator Joseph Victor Ejercito kahapon araw ng biyernes.
Sinalubong naman ng may ngiti at pag galang ng ating Mahal na Bise Alkalde Jun Dualan ang mga tao sa lugar at pinangunahan niya ang pamimigay ng Cash Assistance para sa mga TUPAD Beneficiaries.
Sa pagpapakita ng Disiplina at Kooperasyon ay naging maayos at mabilis ang pamamahagi ng tulong sa bawat miyembro ng TUPAD.
Ang TUPAD ay isang programa sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may layong mabigyan ng tulong ang mga Naicqueños na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.(Municipality of Naic)
