• Wed. Jun 4th, 2025

HEPE NG BFP PASAY CITY KINUMUSTA KALAGAYAN NG KABALIKAT FIRE VOLUNTEER

Byadmin

May 29, 2023

Personal at taos pusong nagtungo at bumisita ang mga magigiting na mga bumbero mula sa Kawanihan ng Pagtatanggol sa Sunog, Lungsod ng Pasay, sa pangunguna ni FSUPT MARIANO S TAGUIAM, City Fire Marshal, sa mga kasapi ng Tiger Kabalikat Fire and Rescue Volunteer ng Barangay 193, Lungsod ng Pasay.

Kinumusta ni SUPT TAGUIAM ang kalagayan ng mga ito matapos ito ma aksidente at tumaob ang kanilang sinasakyang firetruck kamakailan upang rumesponde sa isang 4th Alarm na sunog sa Lungsod ng Parañaque City. Sa labin-tatlong sakay nito ang lahat ay nagtamo lamang ng minor injuries at kasalukuyang nagpapa-galing sa mga sugat na natamo. Bilang pagkalinga, si FSUPT TAGUIAM, ay nagpa-abot ng kanyang tulong pinansyal upang makatulong ito sa kanilang tuluyang paggaling dulot ng nasabing aksidente at sya din ay nagpaalala sa kahalagahan ng kaligtasan ng bawat isa tuwing tutugon sa bawat emergencies at responde sa ating komunidad. (Bfpphoot/Renante Arjay Jarobel/Marjorie Mahusay)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *