Tagumpay ang naganap na Memorandum of Understanding (MOU) sa pagbuo ng Municipal Resettlement Implementation Committee kung saan lumagda ang ating Mahal na Mayor Raffy Dualan at Vice Mayor Jun Dualan kasama sila Ms. Janely Avendan (DPWH RMC-II), DE Marlo B. Correa (DPWH, 2nd DEO Cavite) at ilang mga kasapi sa ginanap sa MOU sa Bayan ng Naic.
Ito ay para sa magiging konstruksyon ng itatayong Bataan-Cavite Interlink Bridge na inaasahang malaki ang magiging tulong hindi lang sa mga mamamayan ng Naic kundi sa patuloy na pagyabong ng Ekonomiya ng ating Bansa.
